-- Advertisements --

Nagsimula ng lumikas ang mga Palestino sa silangang bahagi ng Rafah.

Ito ay matapos na ipag-utos ng Israel Defense Forces ang sapilitang paglilikas sa mga Palestino.

Inaasahan kasi na magsasagawa ng pag-atake ang Israel sa nasabing lugar.

Una ng iginiit ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahui na itutuloy nila ang kanilang pag-atake sa Rafah.