-- Advertisements --

Naniniwala si House Speaker Lord Allan na bunga lamang ng inis kung kayat nasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pahayag nito kamakailan patungkol sa arbitral ruling sa West Philippine Sea. 

Para kay Velasco, “very difficult” ang trabaho ng Pangulo na balansehin ang relasyon sa ibang bansa, interest ng Pilipinas, at pagbangon ng ekonomiya sa harap ng COVID-19 pandemic.

Malinaw naman aniya sa sinabi ni Pangulong Duterte sa naging pahayag nito sa United Nations General Assembly na hindi isinusuko ng Pilipinas ang sovereign rights ng bansa sa West Philippine Sea.

Para sa lider ng Kamara, mas mabuti kung hayaan na lamang sa Executive department, partikular na sa Department of National Defense at Department of Foreign Affairs, ang paghawak sa issue sa West Philippine Sea.

Magugunita na kamakailan lang sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal sa Hague laban sa malawakang claim ng China sa West Philippine Sea ay papel lamang na maaring ibasura.