DAVAO CITY – Dumating na sa probinsiya ng Batangas at sa Tagaytay City ang mga tulong na ipinaabot ng mga taga Davao para sa mga apektadong residente matapos ang pagsabog ng bulkang Taal noong araw ng Linggo.
Ang naturang mga tulong ay bahagi ng Oplan Tabang na inilunsad ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Davao na aabot ng halos 8,000 food packs ang ipinadala para sa mga lungsod ng Tagaytay, Santo Tomas, Tanauan at sa munisipalidad ng Calaca.
Ibinahagi ng mga taga Davao na kasama ang iba pang mga civic groups at ng mga business establishments ang kanilang resources upang makabili ng mga pagkain, kumot, banig, tuwalya mga gamot, mga sabon at iba pang gamit sa banyo at mga used clothes para sa mga biktima ng kalamidad.
Pinangunahan mismo ng Task Force Davao sa pamaagitan ng kanilang Commander na si Colonel Consolito Yecla ang paghahanda at ang pamimigay ng naturang mga relief goods.