Ipinagmalaki ni Punong Barangay Rodel Pamintuan ng Brgy. Capataan, San Carlos City, Pangasinan ang mga nagawa nitong proyekto sa kaniyang barangay.

Kasunod ito ng mga batikos at paninirang ibinabato sa kaniya mula ng ito ay maupos sa puwesto noong 2018.

CAPATAAN
Brgy. Capataan/ SCCP

Kahit na halos walang pondo ang kaniyang barangay ay hindi ito naging hadlang para sa paggawa nito ng mga proyekto sa kaniyang barangay.

Ilan sa mga dito ay ang pagpapaganda ng kanilang barangay Hall, barangay Welcome Arch, pagsasaayos ng drainage system at paglalagay ng mga CCTV sa bawat kanto ng barangay para matiyak na mabantayan ang nangyayaring krimen.

Labis din ang kasiyahan ng mga residente dahil sa paglalagay niya ng TV sa paradahan ng mga tricycle matapos na ito ay kaniyang inayos ang pilahan.

Mula noong ito ay maupo ay wala itong tinanggal na mga miyembro ng Barangay Health Workers, Barangay Tanod at ibang mga appointed officials ng barangay.

Tiniyak nito ang pagkakaisa at pagsasama-sama sa bawat residente ng barangay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here