-- Advertisements --

May mga pagbabagong ipapatupad ang FIFA sa susunod na 2026 World Cup na gaganapin sa US, Canada at Mexico.

Ayon sa FIFA na kanilang naaprubahan ang expanded format na mayroong 48 koponan na ang kalahok.

Isa rin sa pagbabago ay ang dating 64 na laro ay magiging 104 matches na ito.

Dahil dito ay dinagdagan na nila ang grupo na mula sa dating walo ay ginawa na nila itong 12.

Ang nasabing pagbabago ay inaprubahan sa pagpupulong ng council meeting ng FIFA na isinagawa sa Kigali, Rwanda.

Paliwanag ng FIFA na matitiyak na ang bawat koponan ay makakapaglaro ng minimum na tatlong laro at mababalanse ang kanilang mga pahinga sa bawat laro.

Magugunitang noong nakaraang taon sa World Cup sa Qatar ay mayroong 32-koponan sa 64 na laro na natapos ng 29 araw.

Huling naghost ang Mexico ng World Cup ay noong 1986 habnag ang US ay noong 1994 na mayroon lamang noon na 24 koponan.