-- Advertisements --
mwss

Kampante ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na matutugunan na ng mga naipong ulan ang pangangailangan ng mga konsyumer sa Metro Manila sa kabuuang ng Setyembre.

Ayon kay Patrick Dizon, tagapagsalita ng MWSS, ang kasalukuyang lebel ng tubig sa Angat dam ay inaasahang sasapat na para tugunan ang naturang pangangailangan.

Naitala kasi aniya ang pagtaas ng lebel ng tubig sa naturang dam, na siyang pangunahing pinagkukuhanan ng tubig sa kamaynilaan at iba pang karatig-probinsya. Naging daan ito upang maabot ang 200.38 meters na lebel ng tubig.

Ang anturang antas ay mas mababa lamang ng 11 meters kumpara sa target na 210 hanggang 213 meters bago matapos ang taon.

Dahil dito, sinabi ni Dizon na makakaya na ng naturang dam na supplyan ang 50 cubic meters per second na pangangailangan.

Mas mataas kaysa sa 49 cms na sinusuplay ng National Water Resources Board (NWRS) nitong nakalipas na taon.

Umaasa naman ang opisyal na mamementene ang magandang lebel ng tubig sa mga dam sa bansa, sa likod ng nagpapatuloy na El Nino Phenomenon na nararanasan.