Hinimok ni Go Negosyo founder Joey Concepcion ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na mamuhunan sa Pilipinas ngayong mas malakas na ang dolyar.
Aniya, sa pamamagitan nito ang mga overseas Filipino workers na namumuhunan sa bansa ay makatutulong din sa pagsulong ng economic growth at job generation.
Ngunit, nagpaalala si Concepcion na dapat maging maingat ang mga overseas Filipino workers sa kanilang pamumuhunan.
Dagdag pa nito na nakikita ngayon ng mga overseas Filipino workers ang 12 hanggang 13 porsiyentong higit sa bawat dolyar na kanilang kinikita.
Bilang karagdagan sa mga remittances na nagpapalambot sa dagok nang malakas na dolyar, sinabi ng dating presidential economic adviser na ang mas mataas na kita ay maaaring gamitin upang makamit ang pangmatagalang paglago kung ang mga OFW ay magpasya na mamuhunan sa bansa at maging mga negosyante.
Binigyang-diin niya ang malaking kontribusyon ng mga overseas Filipino workers dahil marami sila.
Umaasa na lamang ito na magkaroon ng sapat na ipon ang mga OFW para makabalik sila, at makapagsimula ng maliit na negosyo para hindi sila tuluyang magtatrabaho nang malayo sa kanilang pamilya.
Sinabi ni Concepcion, na nangunguna rin sa Jobs Group ng Private Sector Advisory Council, na dapat himukin ang mga OFW na maging mga negosyante dahil ito ay magbabalik sa mas maraming trabaho para sa mga Pilipino, lalo na sa mga probinsya.
Alinsunod sa mga pagsisikap na ito, inihayag ni Concepcion na ang Go Negosyo ay magho-host ng isang OFW summit na nakatuon sa pagtuturo sa mga OFW sa entrepreneurship sa Disyembre 3.