CENTRAL MINDANAO – Planong gumanti ng New People’s Army (NPA) sa pagkasawi ng isa nilang mataas na lider sa engkwentro ng militar sa Sitio Lamparuc, Brgy Sampagar, Damulog, Bukidnon.

Nakilala ang napatay na si Eduardo Arnado alyas Kumander Chui, residente ng Brgy Salasang, Arakan, North Cotabato at deputy secretary ng Guerilla Front Committee 53.

Namuno rin si Arnado sa pangingikil ng mga NPA sa North Cotabato, Davao del Sur at Bukidnon.

Sinabi ni Kumander Kas Rebu Bonifacio na namatay si Kumander Chui sa rebolusyonaryong pakikibaka at bayani ng masa o maralita.

Marami umanong natulungan si Kumander Chui na mga mahihirap na pamilya sa probinsya ng Cotabato at mga karatig lugar.

-- Advertisement --

Nagbanta si Kumander Bonifacio na gaganti sila sa pagkasawi ni Arnado.

Sa ngayon ay nasa hightened alert ang militar at pulisya sa posibling sorpresa na pananalakay ng mga NPA.