-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad sa Miami matapos ang pagliyab ng pampasaherong eroplano.

Pagkalapag kasi ng Red Air Flight 203 sa runway ng Miami International Airport ay bigla na lamang nagliyab ang bahagi nito.

Galing ng Dominican Republic ang eroplano na may sakay na 130 pasahero at 10 crew.

Itinakbo naman sa pagamutan ang apat na katao matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nila.

Patuloy pa ring inaalam ng National Transportation Safety Board (NTSB) ang pinagmulan ng nasabing sunog.