Patuloy na gumagawa ng hakbang ang mga emergency teams ng Galapagos Islands para tuluyang maalis ang tumapon na 600-gallon ng langis mula sa tumaob na cargo vessel.

Sa imbestigasyon ng Ecuadorian Coast Guard, habang nilalagay sa barko ang malaking container na may lamang langis ay bigla itong nahulog mula sa crane.

Dahil sa bigat ng laman nito ay tumaob na rin ang barko sa San Cristobal Island.

Ang Galapagos Islands ay isang heritage site ng UNESCO kung saan dito matatagpuan ang scientifically significant ecosystems sa mundo.