-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakiisa ang mga opisyal sa lungsod at lalawigan ng Iloilo sa isinagawang Rosary Crusade kaugnay sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ang Holy Rosary na pinangunahan ni Archbishop Jose Romeo Lazo ng Archdiocese of Jaro ay isinagawa alas-3:00 kaninang hapon at napakinggan ng live sa Bombo Radyo Iloilo.

Kabilang sa mga opisyal na nakiisa sa panalangin ay sina Iloilo City Mayor Jerry Treñas, Iloilo City Lone District Rep. Jam Jam Baronda, Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. at iba pang opisyal.

Maliban sa mga opisyal ng Iloilo, nakiisa rin ang Flame of Love Group of the Immaculate Heart of Mary.

Napag-alaman na sa lalawigan ng Iloilo, mahigpit na ipinapatupad ang travel at border restrictions.

Samantala hinihintay na lang ang lagda ni Mayor Jerry Treñas upang maideklara na ang Enhanced Community Quarantine sa lungsod ng Iloilo.