-- Advertisements --

Tutulak ang delegasyon ng Pilipinas na binubuo ng mga opisyal ng gobyerno sa Kuwait sa susunod na linggo.
Ito ay upang liwanagin ang isyu sa pagpapatupad ng Kuwaiti government ng suspensiyon sa issuance ng new entry visas para sa mga Pilipino kamakailan.
Ayon kay Migrant Workers Undersecretary Hans Leo Cacdac, magsasagawa ng tinatawag na labor diplomacy o ang pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at pamahalaan ng Kuwait.
Pangungunahan ng mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) ang delegasyon ng Pilipinas na tutulak sa Kuwait.