Pastor Joel Apolinario
KAPA founder Pastor Joel Apolinario (video grab from Facebook live)

Posibleng bukas o sa Lunes isasampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kaso laban sa KAPA investment group na iligal na nag-o-perate dito sa bansa.

Ayon kay NBI-National Capital Region (NCR) Regional Director Cezar Bacani, sa ngayon ay tinatapos na ng NBI ang kanilang imbestigasyon para sa karampatang kasong isasampa laban sa mga opisyal ng KAPA.

Samantala, aminado naman si Bacani na sa ngayon ay wala pang pribadong indibidwal na naghahain ng kaso laban sa KAPA dahil nakakatanggap pa ang mga ito interest.

Pero base na rin umano sa kanilang mga nahawakang kaso, sa uri ng scheme na ginagawa ng KAPA ay siguradong tataob ito pagkatapos ng apat hanggang limang taon dahil wala na ring mag-i-invest dito.

Iginiit din ni Bacani na kapag ang pera ay ibibigay o iaalay na donasyon ay hindi dapat umaasa ang mga nag-donate ng ano mang kapalit.