Binigyang-pagkilala nina Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at Vice-Mayor April Aguilar ang mga empleyado, opisyal at operating units na nagpamalas ng pinakamahusay na pagganap sa paghahatid ng mga programa, proyekto at aktibidad ng lokal na pamahalaan maging ng mga ahensiya ng gobyerno sa ginanap na 2023 Local Governance Exemplar Awards.
Ayon kay Mayor Imelda Aguilar na isinagawa ng Las Piñas City ang Local Governance Exemplar Award (LPCLGEA) upang itatag ang mekanismo sa pagtukoy, pagpili at pagbibigay ng rewards at mga insentibo sa mga karapat-dapat na empleyado.
Kaisa sa nasabing parangal sina Atty. Odilon L. Pasaraba, Undersecretary for Project Development Management ng Department of the Interior and Local Government (DILG); Atty. Ana Lyn R. Baltazar-Cortez, DILG Assistant Regional Director-National Capital Region; Ms. Mary Anne B. Planas, City Director- DILG Las Piñas; Brig. Gen. Mark Danglait Pespes, Southern Police District (SPD) Director; at Las Piñas City Police Chief Col. Jaime O. Santos.
Ayon pa kay Mayor Aguilar ang awards and recognition program ay binubuo ng dalawang kategorya na city-level awards at barangay-level awards, na sinundan ng paglulunsad ng Las Pinas City Lupon Tagapamayapa na pinangunahan ng mga kinatawan ng Barangay Talon Singko.