Pumirma ng kasunduan ang dalawang malalaking E-commerce platform na Lazada at Shoppee para labanan ang pagbebenta ng mga pekeng kagamitan.

-- Advertisement --

Ayon sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL), na ang memorandum of understanding na tuluyan ng malalabanan ang pagkalat ng mga pekeng gamit.

Tumaas kasi ang demand ng online shopping dahil sa COVID-19 pandemic.

Sinabi pa ni IPOPHIL director general Rowel Barba, na nakasaad sa kasunduan ang agarang pagbibigay ng hakbang sa tuwing mayroon silang reklamong matatanggap.