-- Advertisements --

Inanunsyo ngayon ng Sub-Task Group for the Repatriation of overseas Filipino workers (OFWs) ng Inter Agency Task Force (IATF) na mula ngayong araw lahat ng OFWs, Filipino seafarers at overseas Filipinos na dadating sa Ninoy Aquino Iternational Airport (NAIA) ay sasailalim na lamang sa home quarantine pagkatapos nilang sumailalim sa swab test sa paliparan.

Ang mga magpopositibo naman sa swab test ay agad na idederecho sa quarantine facilities.

Partikular ang mga pasaherong taga- National Capital Region (NCR) at sa mga kalapit na lalawigan sa Luzon.

Gayunman, isang tao o kamag-anak lamang ang papayagan na magsundo sa kanilansa airport.

Ang OFWs naman na hindi agad makakauwi sa kanilang lalawigan sa Visayas o Mindanao ay dadalhin muna sa hotels para mag-quarantine at sasagutin ng gobyerno ang gastusin.

Ang mga diplomat, nagbabalik na mga estudyante,mga nagbabalik na permanent residents at mga balikbayan naman na may health clearance ay maaari nang umuwi agad at mag-home quarantine na lamang.

Kapag sila naman ay walang health clearance, maaari na lamang silang mag-home quarantine pagkatapos ng rapid test o di kaya ay dumiretso muna sa hotel pero sila ang sasagot sa kanilang gastusin.