-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ligtas ang mga Pilipino sa Sri Lanka gitna ng mga kilos protesta ng mga mamamayan dahil sa epekto ng tumitinding krisis sa ekonomiya ng kanilang bansa.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jenny Verdillo, adviser ng Filipino Community sa Sri Lanka na iniiwasan nilang pumunta sa mga lugar na pinagdarausan ng mga kilos protesta.

Ayon kay Ginang Verdillo, regular ang ugnayan niya sa mga Pilipino doon at tiniyak niya na ligtas sila sa mga kilos protesta at kaguluhan na likha ng mga protesters.

Maayos naman ang sitwasyon ng mga establisimiento roon dahil itinataon ng mga protester na isagawa ang kilos protesta tuwing gabi.

Marami ang nagsara dahil sa epekto noon ng COVID-19 pandemic.

May mga kaso pa rin ng COVID-19 sa Sri Lanka ngunit mababa na ngayon kumpara sa mga nagdaang buwan.