-- Advertisements --

Inanunsyo ng France at Spain ang kanilang plano na unti-unti nang buksan ang mga negosyo at paaralan sa bansa kasunod nang pagbaba ng infection rate sanhi ng coronavirus pandemic.

Sinabi ni French Minister Edouard Philippe na simula May 11 ay balik-operasyon na ang mga paaralan ngunit tanging 15 estudyante lamang ang maaaring papasukin kada classroom.

Hindi naman papayagan na magbukas ang kahit anong uri ng negosyo na may 40,000 square meters floor space, cafe at restaurants.

Dapat umanong matuto ang kanilang mamamayan na protektahan ang kanilang sarili laban sa nakamamatay na virus.

Nanawagan naman ito na panatilihin ang social distancing kapag lalabas ng kani-kanilang mga tahanan habang ang sinomang sasaky ng pampublikong transportasyon ay kinakailangan na magsuot ng face mask.

Papayagan naman sa Spain na magbukas ang mga tindahan at restaurants simula May 4 hanggang Hunyo 30 pero bawal pa rin ang pagpasok o paglabas sa 50 probinsya ng bansa.