-- Advertisements --

Nakipagpulong si Makati City Mayor Abby Binay sa Makati Business Development Council.

Layunin nitong makabuo ng Long-Term Economic Development Strategy para sa mga kinakaharap na hamon ng ating ekonomiya.

Ito ang unang pagkakataon sa panahon ng pandemya na nag-convene ang MBDC na inaasahang makakatulong sa pagkakaroon ng high-impact innovations na magpapalakas sa competitiveness level ng syudad.

Target din nitong siguruhin na mananatiling premier investment destination ang Makati City.

Binigyang diin ni Binay na mahalaga ang papel ng mga negosyante sa paggabay sa mga programang susuporta sa pagbangon at muling paglago ng mga negosyo.

Sa ilalim ng pamumuno ng alkalde ay lumagda sa strategic partnerships ang lungsod sa industry leaders sa pamamagitan ng public-private partnerships para sa pagpapaigting ng connectivity, mobility, resilience at sustainability.

Kabilang sa matagumpay na PPP projects ang Makatizen Card na isang multipurpose ID na magagamit sa pagpapadala o pagtanggap ng pera at Makatizen App kung saan maaaring mag-ulat ng krimen, emergency at suliranin sa komunidad.

Matatandaang ang Makati City ang sentro ng kalakalan sa bansa, dahil narito ang sentro ng malalaking kompaniya.