Mahigpit na babantayan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang galaw ng mga bagong halal na senador sa katatapos na halalan.

Sinabi ni PCCI President Alegria Sibal-Limjoco, na kanilang oobserbahan ang trabaho ng mga senador lalo na at karamihan sa mga ito ay kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Umaasa rin ang grupo na hindi pababayaan ng mga mambabatas ang pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

Nauna rito pinuri ng grupo ang ginanap na halalan dahil nagpapakita lamang ito na bukas pa rin ang demokrasya ng bansa.