-- Advertisements --
Umabot sa 11.4 milyon katao sa US ang nanood ng libing ni Queen Elizabeth II.
Ayon sa Neilsen rating agency ang nasabing bilang ay nagrerepresenta ng average audience sa 13 cable at broadcast networks at ang nanood sa mga pampublikong lugar gaya ng bars at restaurants.
Magugunitang pumanaw ang monarch queen noong Setyembre 8 matapos ang 70 taon na pamumuno sa trono at isinagawa ang libing nitong Setyembre 19 sa Westminster Abbey.
Base rin sa pagtaya ng BBC na karamihan sa mga tao sa Britanya ang nanood din sa libing kung saan umabot sa 22.4 milyon ang kanilang viewership at nasa 32.5 milyon katao ang nanonood ng may tatlong minuto.