-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 08 06 57 29

Nagdesisyon ang pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources na i-donate na lamang sa mga pamilyang biktima ng Super Typhoon Egay ang mga nakumpiskang tinistis na kahoy.

Sa kasalukuyan, kabuuang 3,000 board feet na pawang nakumpiska mula sa mga illegal loggers ang nakahandang ibigay sa mga pamilyang nakapagtala ng partially at totally damaged houses sa R02.

Ang mga nasabing kahoy ay kasalukuyang nakaimbak sa DENR field office sa Region 2.

Prayoridad ng ahensiya na maibigay ang mga ito sa mga pamilyang apektado sa Hilagang Cagayan.

Samantala, ang Office of the Civil Defense naman ang mangunguna sa pag-turn over sa mga nasabing kahoy.

Maliban sa mga kahoy na ibibigay, nakahanda rin ang iba pang mga construction materials na ibigay sa mga biktima ng nagdaang super typhoon Egay na nasiraan ng mga tahanan.