-- Advertisements --

Nasa state of emergency ang gobyerno ng Haiti matapos ang pagtakas ng ilang libong mga inmates sa pinakamalaking prison facility.

Naganap ang pagtakas sa kasagsagan ng paghahasik ng kaguluhan ng mga gang sa capital na Port-au-Prince.

Base sa pagtaya ng United Nations na nasa mahigit 3,500 na mga preso ang pinaniniwalaang nakatakas sa National Penitentiary.

Patuloy na tinutugis ng mga kapulisan ang mga nakatakas na inmates.

Magugunitang sinabi ng Haitian gang leader Jimmy Cherizier na patuloy ang kanilang pakikipaglaban hanggang hindi mapatalsik si Prime Minister Ariel Henry.