-- Advertisements --

Iminungkahi ngayon ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lahat ng mga nagtungo sa sikat na Dolomite beach noong weekend na mag-self quarantine muna.

Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda, ito raw ang pinakamainam na gawin ng pumasyal doon noong Sabado at Linggo para ma-monitor nila ang lagay ng kanilang kalusugan.

Pero kumpiyansa naman daw ang opisyal na walang carrier ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga nagtungo doon dahil nakasuot naman ang mga ito ng facemasks at faceshield.

Maliban dito, mabilis naman daw na nakontrol ng mga opisyal ng DENR, PNP maging ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at ipinatupad ang mga minimum health protocols.

Sa ngayon, mayroon na raw silang mga pinaplantsang mga adjustments sakaling magtutuloy-tuloy na ang pagbubukas ng kontrobersiyal na pasyalan.

Kabilang na raw dito ang paglalagay ng contact tracing sheet para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga taong magtutungo sa naturang beach.