-- Advertisements --

CEBU CITY – Pinayuhan ngayon ng Cebu City Emergency Operations Center(EOC) ang lahat na nagtungo at pumila sa isang shoe sale sa Barangay Lahug noong Miyerkules na sumailalim sa 14 day self-isolation.

Sa isang advisory, hinimok ang mga ito na agad na tumawag sa barangay o health centers kung nakakaranas ng pangangati sa lalamunan, ubo, sipon, at lagnat.

Maaalalang dinagsa ng libong katao at napahaba pa ang pila sa grand opening ng isang tindahan ng sapatos sa lungsod.

Agad din itong inaksyunan ng city government at pinahinto ang pagbubukas ng tindahan dahil sa maraming paglabag kabilang na sa walang social distancing at kakulangan sa business permit.