Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na exempted sa job exams ng gobyerno ang mga nagsipagtapos sa open distance learning programs na mayroong latin honors gaya ng Cum Laude, Magna cum laude at Summa cum laude.
Sa ilalim kasi ng Honor Graduate Eligibility (HGE) program, ang mga estudyante na may Latin honors ay agad na makukuha sa public service nang hindi na dumadaan pa sa pagsusulit.
Inaprubahan ng komisyon ang desisyon sa naturang usapin noong Hulyo sa pamamagitan ng Civil Service Commission Resolution No. 2300615.
Inilathala lamang noong Oktubre at naging epektibo noong Huwebes, Nobyembre 2.
Ayon kay CSC chairperson Karlo Nograles, kinikilala nito mahalaga ang digitalisasyon sa paghubog ng de kalidad na pag-aaral at pagsasanay ng bagong civil servants.
Sa mga nais na magtrabaho sa gobyerno na nagtapos sa naturang programa na may Latin honors, maaaring magsumite lamang ng aplikasyon sa CSC.
Ang mga kwalipikasyon ay ang ma nagtapos sa school year 2015-2016 onwards, may latin honors sa kanilang bachelor’s degree sa pamamagitan ng open distance learning, nagtapos mula sa open university, kolehiyo o institusyon na kinikilala ng CHED bilang degree-granting higher education institution at dapat na ang unibersidad ay mayroong minimum Level 3 accreditation.