-- Advertisements --

Hindi itinuturing ng National Bureau of Investigation (NBI) na politically-motivated ang nagpakalat ng fake news sa social media kaya dumagsa ang mga tao sa iba’t-ibang vaccination sites.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo na isang uri ng mga ‘nuisance’ criminals dahil wala umanong pattern na ito ay ginawa para mamulitika.

Hindi rin sila naniniwala na isang grupo o sindikato ang nasa likod ng nasabing pagpakalat ng maling balita.

Magugunitang dinagsa ng mga tao ang ilang vaccination sites matapos na mabasa ang post sa social media na hindi makakakuha ng ayuda kapag walang bakuna laban sa COVID-19.