ILOILO CITY – Nakipagpulong na ang mga mambabatas na nais humawak ng committee chairmanship sa Kamara kay Taguig Pateros Rep. Allan Peter Cayetano.

Ang nasabing pulong ay ginanap matapos inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano bilang House Speaker kung saan magkakaroon sila ng term sharing ni Marindoque Rep. Lord Allan Velasco.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo 2nd District Rep. Michael Gorriceta, sinabi nito na magpupulong lang sana sila na mga miyembro ng Nacionalista Party (NP) kasama si Cayetano.

Ngunit matapos ang pag-endorso ng pangulo kay Cayetano bilang susunod na lider ng Kamara, biglang nagsidatingan sa kanilang meeting ang mga kongresista na nais maging committee chairman.

Ang mga kongresista ito aniya ay nagmula sa iba’t-ibang mga partido kung saan nagpahayag ang mga ito ng suporta kay Cayetano sa House Speakership.

-- Advertisement --