-- Advertisements --
image 253

Umabot na sa P1.5Million ang halaga ng mga naibigay na tulong ng Department of Social Welfare and Development sa mga naapektuhan ng mga pag-ulan na dulot ng habagat at bagyong Dodong.

Ito ay kinabibilangan ng Ilocos Region, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, at National Capital Region (NCR).

Ayon sa DSWD, umabot sa 155 na barangay ang naapektuhan mula sa mga nabanggit na rehiyon kung saan umabot sa 19,000 families ang apektado. Ito ay binubuo ng 64,802 individuals.

Umabot rin sa 424 ang mga pamilyang lumikas sa mga evacuation center dahil sa mga pagbaha. Ito ay katumbas ng 1,660 individuals.

Naitala rin ng DSWD ang 800 families na nakitira sa kanilang mga kaanak dahil pa rin sa pagbaha.

Tiniyak naman ng ahensiya na may sapat na family food packs at iba pang kahalintulad na tulong para sa mga apektado.