-- Advertisements --
image 572

Iniulat ng Commission on Elections na mayroon ng kabuuang 530,449 aspirants ang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy kada elective post sa nakalipas na dalawang araw ng paghahain para sa Barangay at Sangguniang Kabataan polls.

Sa consolidated daily report ng Comelec, 41,074 na ang nakapag-file para sa barangay captain post habang 35,522 ang nag-apply para sa SK chair.

Kabuuang 290,107 naman ang naghain ng COC para sa miyembro ng barangay habang 166,746 ang naghain para sa SK member.

Ang mga numero ay sumasaklaw sa 82 lalawigan sa buong bansa.

Ayon sa COMELEC, asahan pa ang pagtaas ng bilang ng mga naghahain ng kanilang COC hanggang sa matapos ang araw ng filing nito sa Setyembre .

Una nang sinabi ni Commission on Elections spokesperson John Rex Laudiangco na halos 100% handa na ang poll body para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong taon.