-- Advertisements --

Walang nakitang foul play at tinitignan na maaaring isang kaso ng pagpapatiwakal ang itinuturo ng mga ebidensya sa naging pagkamatay ng isang law student na siyang nawawala simula nitong Hunyo 8.

Sa isang pulong balitaan na pinangasiwaan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, nakita sa tabi ng bangkay ng biktima na kinilala bilang si Anthony Granada, 25 anyos, ang isang bote ng hinihinalang liquid sosa at isang bote ng milktea na maaaring ginamit nito para isagawa ang pagkitil sa kaniyang sariling buhay.

Wala rin aniyang nakikitang foul play ang mga otoridad sa insidente kung saan wala umanong nakitang gun shot wound at ebidensya na kinaladkad ang biktima o kahit anumang forcible abduction sa katawan ni Granada nang matagpuan ito sa isang undeveloped property sa Cavite.

Dagdag pa ni Remulla, intact pa ang mga gamit nito gaya ng cellphone, ilang mga personal na kagamitan at maski ang pera ng biktima at walang indikasyon na pinagnakawan nito at tsaka pinatay.

Dagdag pa ni Remulla, batay sa naging hitsura ng labi ng biktima, ang lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad ay ito ay isang kaso ng suicide.

Natunaw ang mukha ng biktima hanggang sa kaniyang dibdib habang sumabog naman ang lalamunan nito indikasyon na sinusuka niya ang ininom na liquid sosa.

Hindi rin nakakita ng kahit anong ebidensya ng hazing ang mga imbestigador at binigyang diin rin ng kalihim na magisa lamang ang binata sa kaniyang buong paglalakbay mula sa Taguig hanggang sa kung saan natagpuan ang kaniyang bangkay.

Samantala, nagkaroon na ng koordinasyon ang Philippine National Police (PNP) sa pamilya ni Granada at humihiling ng oras at privacy para makapagluksa sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.