-- Advertisements --

Humihingi ngayon si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ng feedback mula sa kapulisan hinggil sa kanilang bagong uniporme na General Office Attire Type C (GOA C).

Ito ang kaniyang naging panghihikayat matapos na maging epektibo na ang paggamit ng naturag uniporme simula ngayong araw.

Paliwanag ng hepe, mahalagang malaman kung epektibo ba at komportable ang pakiramdam ng mga pulis sa kanilang bagong set up na uniporme para sa kanilang pang-araw raw na serbisyo.

Kasunod nito ay inatasan agad ni Torre ang PNP Directorate for Research and Development na pangunahan ang pangangasiwa ng survey sa mga pulis para malaman ang kanilang opinyon hinggil sa bagong uniporme.

Samantala, sa bagong uniporme na ito embroidered na ang PNP Badge ng mga pulis gayundin ang shoulder loop ng mga ito.

Inaasahan na ito na ang magiging daily office attire ng mga kapulisan hindi lamang sa National Headquarters ng PNP, maging sa Police Provincial Offices, City Police Offices, Police District Offices at maging sa mga estasyon ng pulisya at iba pang yunit nito.