Eksaktong alas-5:49 ng hapon pormal na natanggap ng Senate impeachment court ang answer ad cautelam o tugon ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa inisyung writ of summon sa kanya.
Ipinadala ang dokumento ng messenger na si Arnel Barrientos Jr ng Fortun, Narvasa, & Salazar, ang law firm na magrerepresenta kay VP Sara sa paglilitis.
Anim na makakapal na kopya ang ipinadala sa clerk of court o sa opisina ni Senate Secretary Renato Bantug Jr.
Nasa 35 pages ang nilalaman ng kopya ng tugon ni vp sara sa writ of summons
Sa answer ad cautelam, nakasaad doon ang void ab initio o void from the beginning kung saan nais ng kampo ni Duterte na ipa-dismiss ang kaso.
Una rito, binigyan si Duterte ng non-extendible period na sampung (10) araw upang magsumite ng kanyang sagot mula sa oras ng pagtanggap ng writ of summons at kopya ng reklamo, alinsunod sa Article 7 ng impeachment rules.
Natanggap ng kanyang opisina ang kopya noong June 11.
Hanggang alas-syete ng gabi lamang kasi hihintayin ng clerk of court na si Bantug ang sagot ni VP Sara… ngunit umabot ito.
Bibigyan naman ng kopya si Senate President Francis “Chiz” Escudero, si Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol at iikot sa lahat ng senador.