Aabot sa 29 % pa lamang ng mga kwalipikadong indibidwal sa bansa ang nakatanggap ng kanilang booster shots ayon sa Department of Health (DOH).
Katumbas ito ng 9.7 million mulasa 33.5 million eligible individuals na maturukan ng booster dose.
Sa kabila ito ng ipinapakitang significant impact ng pagbabakuna sa booster upang mapigilang maospital at humantong sa malubhang sakit dahil sa COVID-19.
Binigyang diin ng mga eksperto na 72% ang effectiveness ng bakuna para maiwasan ang pagkaospital dulot ng Omicron variant dalawa hanggang 24 na linggo matapos mabakunahan ng ikalawang dose subalit humihina ito ng hanggang 52% matapos ang 25 linggo.
Subalit kapag naturukan ng booster dose, tumataas ng hanggang 88% ang effectiveness ng bakuna para maiwasang maospital.
Muling tiniyak ng DOH na lahat ng COVID vaccines na may emergency use authorization mula sa Food and Drugs Administration ay napatunayang ligtas at epektibo laban sa respiratory disease.