-- Advertisements --
Patuloy ng bumaba ang bilang ng mga lumalabag sa ipinapatupad na “No Vax No Ride” policy.
Ayon sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) na mula sa dating 102 sa ay naging 34 na lamang ito.
Dagdag pa nito na sa isinagawang operasyo ng IACT at PNP ay aabot lamang sa walo ang naitalang lumabag.
Ikinatuwa naman ng PNP ang nasabing pagbaba ng bilang ng mga naarestong lumalabag dahil sa natututunan na ng mga tao ang sumunod sa ipinapatupad na panuntunan.
Patuloy din aniya ang pagpapaalala ng PNP na hindi sila nag-aaresto sa mga lumalabag at sa halip ay pinagsasabihan lamang nila ang mga ito.