Patuloy na dumadami ang bilang ng mga lumalabag sa election gun ban na nagsimula noong Enero 9.
Sa ngayon aabot na sa 836 ang kabuuang bilang ng mga nahuling lumabag sa panuntuna ng Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni PNP Spokersperson Police Colonel Jean Fajardo na nasa 90 percent daw ng mga nahuling lumabag ay mga sibilyan.
Mayroon daw kasing ilang nasita ay mga pulis, mayroon ding sundalo dahil noong dumaan daw ang mga ito sa Comelec checkpoint ay wala silang bitbit na mga gun exemption.
Aniya ang mga nahuling baril mula sa mga law enforcers ay pansamantala raw kinuha at ibabalik lamang kapag nakakuha na ang mga pulis at sundalo ng exemption documents.
Noong Enero nang ipatupad ang gun ban at ipinagbawal sa lahat ang pagbitbit at pagbiyahe ng lahat ng uri ng armas kahit ito ay lisensiyado at mayroong permit to carry.
Hindi ito puwedeng dalhin sa labas ng bahay ng mga gun owners dahil sa nalalapit na halalan sa Mayo 9.