Magkakaroon ng libreng entrance ang ilang local museum sa bansa bilang pagdiriwang ng International Museum Day ngayong araw.

Ilan sa mga dito ay ang Yuchengco Museum na bukas mula 10 a.m hanggang 6 p.m. at Ayala Museum sa lungsod ng makati mula 1 p.m. hanggang 7 p.m.

Makikita sa Yuchengco museum ang mga collections ni Juan Luna, Fernando Amorsolo at Carlos “Botong” Francisco habang sa Ayala Museum ay makikita ang mayamang gawa ng Filipino at mga archaeological artifacts.

Bukas naman mula 10 a.m. hangang 5:30 pm. ang Metropolitan Museum ng Maynila ganoon din ang Bahay Tsinoy at National Museum.