Ipinagmalaki ng mga miyembro ng Consultative Committee (ConCom) na inatasang magpanukala ng amiyenda sa 1987 Constitution na kanilang nakatrabaho si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr., na kaninang umaga lang ay binawian ng buhay matapos na makipaglaban sa sakit na lymphoma at pneumonia.

Sa isang statement, sinabi ni ConCom spokesperson Ding Generson na labis ang kalungkutan ng buong komite sa pagpanaw ni Pimentel, na kanilang itinuturing bilang “stalwart of federalism.”

“Senator Pimentel was not just a public servant. He was, above all, a steadfast advocate of true reforms and real change, a defender of the rights of all, a man of humility, honesty and integrity, a constitutionalist, and a great Filipino and patriot,” ani Generoso.

“We, the members and staff of the Concom, are honored and privileged to have worked with him in the service of the nation. We join his family and all Filipinos in mourning his passage and praying for the peace of his soul in the arms of the Creator,” dagdag pa nito.

Bukod sa tumayo bilang vice chairman ng ConCom, naging delegado rin si Pimentel sa 1971 Constitutional Convention, na pinatawag para baguhin ang 1935 Constitution.

Iginiit ni Generoso na hindi tsamba na sinimulan ni Pimentel ang career nito sa serbisyo publiko bilang bahagi ng constitutional convention at tinapos ito bilang miyembro naman ng ConCom.

Kailanman ay hindi aniya malilimutan ng sambayanang Pilipino si Pimentel dahil sa aniya’y “unselfish service and great sacrifice” nito.

“He will surely be missed, but his legacy will live on and continue to inspire Filipinos in seeking and aspiring for a better nation for themselves and their children,” dagdag pa nito.

Tiniyak naman ni Generoso na kanilang ipagpaptuloy ang pangarap ni Pimentel na gawing federal ang porma ng pamahalaan ng Pilipinas.