-- Advertisements --
Pinaulanan ng Lebanon ng mga missiles ang Israel.
Naganap ito isang araw matapos ang ginawang raid ng Israel police sa al-Aqsa mosque sa Jerusalem.
Ito na ang pinakamalaking pag-atake mula pa noong 2006 sa laban ng dalawang bansa.
Agad naman na naharang n Israel ang mga missiles mula sa Lebanon.
Dahil sa pangyayari ay isinara ang Israel ang kanilang northern airspace para hindi na makalusot pa ang nasabing mga missiles.
Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi dahil sa nangyaring insidente.