-- Advertisements --
Makakatanggap na ng pagtaas sa sahod ang mga migrant workers sa Taiwan.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), nagsimula ang taas sahod noon pang Agosto 10.
Mabebenepisyuhan ang mga bagong dating at mga pumirma ng bagong kontrata ng kanilang employers.
Base sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) aabot na ngayon sa P37,000 ang bagong sweldo mula sa dating P31,000.
Paglilinaw naman ng DOLE ang mga migrant workers na pumirma ng kontrata bago ang Agosto 10 ay hindi kasama sa bagong pasahod.