-- Advertisements --

Maari pa rin makasuhan ang mga mapapatunayang mayroong kapabayaan sa COVID-19 vaccination program sakaling makaranas ng negatibong epekto sa mga mabakunahan nito.

Sinabi ito ni Qurino Rep. Junie Cua sa Ugnayan sa Batasan press briefing nitong umaga, matapos na in-adopt ng Kamara kagabi ang Senate version ng proposed Covid-19 Vaccination Program Act of 2021.

Ayo kay Cua, co-author ng House Bill 8649, nakasaad sa panukalang batas na ipapadala nila sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang probisyon na nagsasabing hindi maaring kasuhan ang mga nanguna sa COVID-19 vaccination program.

Ito ay maliban na lamang kung mapatunayan naman na mayroong “willful misconduct” at “gross negligience” na nangyari sa COVID-19 vaccination program.

Sinabi ni Cua na kaya inilagay nila ang probisyon na ito upang sa gayon ay hindi naman matakot ang mga mangunguna sa administration ng bakuna sa posibleng kaharapin nilang kaso kapag magkaroon man ng aberya.

Kung hindi aniya nila ito isinaad sa panukala, maaring walang mag-administer ng bakuna sa mamamayang Pilipino.