-- Advertisements --

May malaking inilaan ngayong FIFA sa mga magwawagi ng Women’s World Cup.

Ayon sa FIFA na ang bawat manlalaro na magkampeon ay tiyak na makakatanggap ng nasa tig $300,000 o katumbas ng P15- milyon.

Ang nasabing halaga ay 300% na mas mataas na napanalunan nong 2019 FIFA World Cup.

Magugunitang noong Marso ay sinabi ni FIFA president Gianni Infantino sa FIFA Congress na paghahatian ang total prize money ng mga manlalaro.

Magsisimula ang FIFA Womens World Cup sa Hulyo 20 hanggang Agosto 20 sa Australia at New Zealand.