-- Advertisements --
Posibleng pumalo pa hanggang limang milyon ang kabuuang maapektuhang trabaho dahil sa temporary closure ng ilang tanggapan at kompaniya ngayong may COVID-19 pandemic.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, sa kasalukuyan ay 2.6 million ang nasa listahan nila, ngunit may mga pagtaya silang nakabatay sa ibang record na lolobo pa ito sa mga darating na araw.
Kaya naman bumuo ang DOLE ng emergency employment program para sa 335,000 workers na nasa informal sector.
Pero pagtaya ng ibang eksperto, maaari pa raw itong umakyat hanggang mahigit pitong milyon.
Ang limang milyon dito ay mula sa pribadong sektor at mahigit dalawang milyon ang mula sa iba pang grupo.