-- Advertisements --

Nangibabaw ang mga mamababatas sa United Kingdom na humihingi ng pagpapalawig para sa tuluyang pag-alis nila sa European Union.

Nakakuha ng 413 kontra 202 na humihiling kay Prime Minister Theresa May na kausapin ang EU para palawigin ang March 29 na deadline sa Hunyo 30.

Sinabi ni May na maaaring mapalawig hanggang Hunyo 30 kapag susuportahan ng mga mambabatas ang kaniyang deal sa pagboboto sa susunod na linggo.

Sakaling ibasura muli ang kaniyang deal at hihiling ng mas mahabang extension ay nangangailangan pang kumbinsihin muli ang 27 EU member states.

Nauna ng ipinagigiitan ni May na kakalas na ang UK sa EU pagdating ng March 29 may kasunduan man o wala.

Napilitan itong mag-alok sa mga mambabatas ng pagboto para sa pag-antala ng Brexit matapos na hindi nila tanggapin ang kaniyang withdrawal agreement at sa pangalawang pagkakataon ay bumuto para sa no-deal Brexit.

Binalaan din nito na ang pagpappalawig ng hanggang tatlong buwan ay makakasama sa tiwala sa demokrasya kung saan ibig sabihin nito ay makikibahagi pa ang UK sa European Parliament elections na gaganapin sa buwan ng Mayo.

Naghahanda naman ang gobyerno para sa no-deal Brexit habang si Theresa May ay nagpaplano ng “meaningful vote” sa kaniyang withdrawal deal sa susunod na Miyerkules matapos na dalawang beses itong nabigo bago ito magtungo sa EU summit at hilingin ang pagpapalawig.

Ayon naman sa European Commission na ang pagpapalawig sa Article 50 na isang mekanismo na paglabas ng UK sa EU hanggang March 29 ay nangangailangan pa ng “unanimous agreement” sa lahat ng EU member states.