1 Pacman Party list Rep Mikee Romero
1 Pacman Party list Rep Mikee Romero

Hinikayat ni Deputy Speaker Mikee Romero ang Department of Education at Philippine SEA Games Organizing Committee na payagang makapanood ang mga mag-aaral ng mga laro sa SEA games ng libre.

Dapat aniya na maglaan ang Phisgoc ng lugar para sa mga estudyante mula sa Tarlac at Pampanga para sila ay magbigay suporta sa mga manlalaro ng bansa.

Bilang isang dating amateur basketball player ay alam nito kung gaano makakabigay lakas ang suporta ng mga kababayan.

Si Romero ay isa sa mga founding directors ng Philippine National Federation of Polo Players.

Isasagawa ang biennial meet sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 na ang opening ay sa Philippine Arena sa Bulacan at ang closing ceremony ay sa New Clark City sa Capas, Tarlac.