-- Advertisements --

Tiwala si Sen. Panfilo Lacson na matatalakay ang mga priority bills na nais maisabatas ng Pangulong Rodrigo Duterte sa gaganaping mini-Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa susunod na linggo.

Para kay Lacson, mainam ang ganitong mga hakbang para maiwasan ang pagkaka-veto ng mga panukala na pinagpaguran, ginastusan at ginugulan ng panahon sa Kongreso.

Matatandaang isa sa mga huling bill na na-veto ay ang Security of Tenure o Anti-Endo Bill na kasama pa man din sa sinertipikahan ni Pangulong Duterte bilang urgent.

Giit ng senador, dapat magkaroon ng maayos na pag-uulat sa chief executive ang mga kinatawan ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).

Kapag hindi kasi nagkaroon ng maayos na ugnayan ang mga mambabatas at PLLO, baka masayang lamang ang paghimay sa bills na nakahain sa dalawang kapulungan.

“I understand magme-meet ang HOR at Senate pati ang PLLO. Pinag-submit kami ng tig-3 pinaka-priority sa amin,” wika ni Lacson.