-- Advertisements --

Pinapalikas ng mga opisyal ng Libya ang ilang mamamahayag.

Ayon sa mga Libyan government na maraming mga mamamahayag ang nasa Derna City ang matinding nasalanta ng pagbaha dahil sa pagkasira ng dalawang dam.

Paliwanag ng mga opisyal na nais nilang umalis pansamantala ang mga mamamahayag para hindi maging sagabal sa patuloy na ginagawang retrieval operations sa mga biktima.

Paglilinaw naman nila na tanging mga mamamahayag lamang at hindi ang mga international rescue groups ang kanilang pinapalikas sa lugar.

Magugunitang aabot sa hanggang 11,000 katao na ang nasawi at ilang libo pa ang nawawala ng manalasa ang matinding pagbaha sa lugar.
Patuloy din ang panawagan ng gobyerno sa mga bansa na magpadala ng rescue groups.