-- Advertisements --

CEBU CITY – Humiling si Cebu City Mayor Edgardo Labella sa mga Sugboanun na magka-isa sa ngayon na ibinababa sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ ang syudad.

Alinsunod dito, naglabas ang opisyal ng Executive Order No 084 upang maitakda ang mga bagong patakaran na susundin ng mga sugboanon ngayon MECQ.

Habang makikipagpulong ang alkalde ngayon araw kasama ang mga mall managers matapos itong payagan na magbukas kahapon.

Ngunit nilinaw ng alkalde na susundin parin nito ang mga pangunahing protocol.

Habang may mga pinahihintulutang mga establisimento sa loob mall pero 50 porsyento lamang ang papayagan magbukas maliban sa Entertainment.

Hiling ng alkalde na huwag abusuhin ang pagkakataong na ibinaba sa MECQ ang lungsod upang ito unti-unting bumalik sa normal at ibalik sa mga Sugboanon ang kanilang kabuhayan.