-- Advertisements --
Pinagkukumpiska ng mga otoridad sa Saudi Arabia ang mga makukulay at kulay bahaghari na mga laruan at damit.
Ang nasabing hakbang aniya ay dahil tila nanghihikayat ang nasabing kulay ng mga homosexuality.
Pinagtatanggal din ng mga opisyal ng commerce ministry ang ilang mga makukulay na mga laruan at mga damit maging mga hair clips, pop-its, pencil cases at iba pa na ibinebenta sa Riyadh.
Ang nasabing mga kulay aniya sumasalungat sa paniniwalang Islam.
Pinagmulta na ng mga gobyerno ang nasabing mga establishimento na natagpuang nagbebenta ng nasabing mga makukulay na paninda.