-- Advertisements --
image 291

Nagprotesta at humiling ng patas na pagdinig sa Department of Justice (DOJ) ang mga magulang ng mga batang nabakunahan ng dengvaxia na umano’y nagkasakit.

Nanawagan din ang mga magulang ng tulong sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa pagsibak kay Justice Undersecretary Jesse Andres na umano’y follower ni dating Health secretary at incumbent Iloilo Representative Janet Garin.

Hiniling din ng mga magulang kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para sa patas na pagdinig sa kanilang mga reklamo.

Matatandaan noong taong 2017, ipinag-utos ng Food and Drug Administration (FDA) ang suspensiyon ng pagbebenta, pamamahagi at kalakal ng Dengvaxia vaccine at pagtanggal ng produkto mula sa merkado.

Ito ay matapos na maglabas ng babala ang manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi na ang naturang bakuna ay maaaring makapagdulot ng severe diseases lalo para sa mga hindi pa dinapuan ng dengue bago mabakunahan ng dengvaxia vaccine.